Sa mga UNFOLLOWERS,
We all know naman na issue na talaga yan dito sa Tumblr. Maybe sa mga tinatawag nilang famous eh hindi ito big deal kase marami pa rin naman silang mga followers na tumatangkilik ng blog nila. Pero sa mga karaniwang bloggers na katulad ko, nakakaramdam ako ng hinagpis Hahah hinagpis talaga? O medyo nahuhurt lang ako ng bahagya kase para saken ginagawa ko naman yung best ko para hindi ako i-unfollowed ng ibang bloggers. Pero alam ko naman dito sa tumblr na may kanya-kanya tayong batayan sa i-fofollow natin.
Wala akong magagawa kung ganun ang mga pananaw niyo, kanya-kanya rin naman tayo ng opinyon dito. Pero ganun pa man, nagpapasalamat pa rin ako sa panandaliang pagsubabay niyo sa blog ko kung may mga pagkakataon mang hindi niyo nagugustuhan yung post ko, wala naman ako magagawa at wala rin naman akong karapatang magalit sa inyo. Pero labis pa rin akong nagpapasalamat sa inyo, lalo na sa mga patuloy na sumusubaybay.
Isa rin sa mga ipinagpapasalamat ko ay wala akong mga haters katulad ng iba na kulang nalang yata eh murahin sila. Yun yung napansin ko, between famous and ordinary bloggers. Pag famous, maraming ngang followers marami ding haters, pag ordinary blogger ka lang, konti ang followers walang masyadong haters.

Ang sarap-sarap mainlove habang bata ka pa. Yung relasyong alam mong walang katapusan ang pagmamahalan.
- Yung hanggang sa pagtanda mo, lagi ka pa ring sinusurpresa ng taong mahal mo.
- Yung lagi pa rin niyang pinaparamdam sa’yo kung gaano ka kaimportante at kung gaano ka niya kamahal sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumadating sa relasyon niyo.
- Yung hindi siya napapagod na mahalin ka, sa kabila ng mga panget na ugali mo.
- Yung ipaparamdam niya sa’yo na ikaw na yung gusto niya makasama sa habang buhay.
- Yung hindi nagsasawang amuin ka, kapag galit ka.
- Yung bibigay lahat ng oras niya sa’yo, mapasaya ka lang.
- Yung makakasama mo sa mga lakad mo.
- Yung laging nanjan para makinig sa mga problema mo.
- Yung makakasabay mo sa pagkain.
Yung relasyon na, ramdam na ramdam mo yung pagmamahal ng bawat isa.
- Gusto mo ng pang-matagalang relationship?
Mag-effort ka. Hindi yung parang wala kang pakialam sa lahat ng nangyayari, sa mga nagawa mong mali at sa partner mo. Tandaan mo na, once you’re already committed, may mga responsibilities ka na kailangang gawin at panindigan. Hindi yung nagka-away kayo dahil sa isang pangyayari. Alam mo ng galit sayo ang boyfriend o girlfriend mo, wala ka pa ring gagawin. Wag mong pairalin ang pride mo.
Likas na ang pagiging mayabang. Tsk!
Once was just a gurl who does nothing but to play,i enjoy life as if there’s no tomorrow now i got one step away from youthful life and a slep closer to reality. just simple and yet complex she is inexistent but in the eyes of those who undrestand she exist she is an evil but for the person who learned to dig deep with her, she will be the definition of good.
Sa isang relasyon TIWALA ang hindi dapat nawawala kase once na nawala na ang tiwala mo sa isang tao, pati pagmamahal mo mawawala na rin. Isa sa pinakamasarap sa pakiramdam eh yung kahit na taon na ang inabot ng relasyon niyo buong buo pa rin yung pagmamahal at tiwala niyo sa isa’t-isa kahit maraming pagsubok at challenges na dumadating sa inyong dalawa kahit kelan hindi niyo nagawang magpatalo sa mga ito.
Magtiwala ka lang sa taong mahal mo. Wag mo siyang pagdudahan sa mga ginagawa niya, suportahan mo siya sa bawat desisyon niya sa buhay tiyak mas lalo pang maggogrow ang relasyon niyo.
Ang tiwala hindi naman hinihingi yan sa isang tao, kailangan mo lang ipakita na mabuting tao ka, at malinis ang intensyon mo lahat ng tao magtitiwala sayo. Ipakita mo lang kung anong tunay na kulay mo, lahat ng tao hahanga sa’yo.